ISEE

🤔 ISEE , ano at para saan ang ISEE?

Ang ISEE ay isang dokumento na nagpapatunay sa sitwasyong pinansyal ng iyong pamilya. Ang ibig sabihin ng ISEE ay “indicatore della situazione economica equivalente” o  tagapagpahiwatig ng katumbas na sitwasyong pang-ekonomiya o pinansyal.  

Upang makalkula ang ISEE kailangang kalkulahin ang kita at kayamanang angkin ng bawat kasapi ng iyong pamilya.

Ang antas ng ISEE ay mas mababa kung ang iyong pamilya ay nasa isang partikular na sitwasyon ng pangangailangan, kung tatlo o higit sa tatlo ang mga anak, o kung may mga kasapi ng pamilya na may kapansanan o hindi kaya ang sarili.

Kakailanganin mo ang ISEE kung nais mong humiling ng mga benepisyong panlipunan na nakadepende sa sitwasyong pinansyal ng pamilya.

Upang  magkaroon ng ISEE, pumunta ka sa isang sentro na nagbibigay ng tulong at payo tungkol sa mga alalahaning piskal, na karaniwang tinatawag  na CAF o sa isang patronato.  I-click ang link sa baba para sa listahan ng mga ito.

🗄 Listahan ng mga CAF at Patronati para sa ISEE

Mag-click dito upang makita ang listahan

Opisina ng Lipunan ng Quartiere Savena

📍 Address: via Faenza, 4 - Bologna

Mga oras ng pagbubukas: Martes at Huwebes mula 8:15 hanggang 17:30

☎️ Tel: 0512197481

📧 E-mail: serviziosocialesavena@comune.bologna.it