PAARALAN

👶 Anu-ano ang mga kailangan upang maipasok sa paaralan ang isang batang may edad na mas mababa sa anim na taong gulang?

Anu-ano ang mga kailangan upang maipasok sa paaralan ang isang batang may edad na mas mababa sa anim na taong gulang?

Kung ang iyong anak ay may edad na mas mababa sa tatlong taong gulang, ang pamamaraan ng pag-enrol sa isang nursery school ay online lamang,  sa website ng Comune. Kakailanganin mo ang mga sumusunod: ang ISEE, ang residenza, at ang mga kredensyal ng iyong SPID. Kung ikaw ay nagtatrabaho, kakailanganin din ang mga impormasyon ukol sa iyong trabaho. Kung ikaw ay isang estudyante, kakailanganin ang sertipiko ng enrollment.

Kung ang edad ng  iyong anak ay nasa pagitan ng tatlo at limang taong gulang, kailangan mo siyang i-enrol online sa Preschool o ang tinatawag na “scuola materna” . Kakailanganin mo dito ang iyong SPID, impormasyon ukol sa iyong trabaho kung meron at sertipiko ng enrollment kung ikaw ay nag-aaral.

Kung kailangan mo ng karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa Tagggapan “Ufficio Scuola” ng iyong quartiere. Ito ang numero ng telepono.

Kung wala kang computer o kailangan mo ng tulong sa pagsagot ng pormularyo ng enrollment online, maaring humingi ng appointment sa tanggapan “Ufficio Scuola”. Tutulungan ka ng tanggapan sa bagay na ito.

Opisina ng paaralan (ufficio scuola) ng Quartiere Savena

📍 Address: via Faenza, 4 - Bologna

☎️ Tel:  0512197424

🧒 Anu-ano ang mga kailangan upang ipa-enrol ang isang batang may edad na higit sa anim na taong gulang at mas bata sa labingtatlong taong  gulang?

Anu-ano ang mga kailangan upang ipa-enrol ang isang batang may edad na higit sa anim na taong gulang at mas bata sa labingtatlong taong  gulang?

Kung ang iyong anak ay may edad na higit sa anim na taong gulang at mas bata sa labingtatlong taong  gulang, maari mo siyang ipasok sa mababang paaralan o sa tinatawag na “scuola elementare”  o ipasok sa mataas na paaralan o sa tinatawag na “scuola media”. Para sa mga karagdagang impormasyon, kailangang pumunta sa tanggapan ng mga paaralan na malapit sa inyong tirahan. Ang pag-enrol ay online sa website ng MIUR (Ministero dell’Istruzione).

🏫 IC 9

📍Address: via Longo, 4 - Bologna

☎️ Tel: 051460205

🏫 IC 12

📍 Address: via Bartolini, 2 - Bologna

☎️ Tel: 051542229

🏫 IC 13

📍 Address: via dell’Angelo Custode, 1/3 - Bologna

☎️ Tel: 051471998

🏫 IC 22

📍 Address: via Milano, 13 - Bologna

☎️ Tel: 051493263

☝️ May anak ka ba na may mga pangangailangang maselan o partikular na may kinalaman sa pag-aaral?

May anak ka ba na may mga pangangailangang maselan o partikular na may kinalaman sa pag-aaral?

Maari mong ipaalam ang partikular na kalagayan ng iyong anak sa SEST ng iyong quartiere. Ang ibig sabihin ng SEST ay “Servizio Educativo Scolastico Territoriale”.

Ang SEST ng quartiere ay inatasang itaguyod ang karapatan sa pag-aaral at ang karapatang pumasok sa paaralan para sa mga batang may kapansanan.

Ang SEST ay inatasan ding itaguyod ang kapakanan, labanan ang paglalayong ihinto ang pag-aaral at itaguyod ang  tamang direksiyon ukol sa pag-aaral.

Ang SEST ay may mga guro na gumagawa ng mga proyekto na nakatuon sa angkop na paggamit ng panahon labas sa oras ng pag-aaral, ibig sabihin, mga aktibidad para sa mga musmos at mga kabataan sa libreng oras nila, para sa pagkakaroon at paggamit ng mga angkop na lugar para sa pag-aaral at proyektong maaring makatulong sa mga magulang.

SEST ng Quartier Savena

📍 Address: via Faenza, 4 - Bologna

Mga oras ng pagbubukas: Martes mula 8:15 hanggang 14h00 ; Huwebes mula 8:15 hanggang 17h30

☎️ Tel: 0512197430

📧 E-mail: educatorisestsavena@comune.bologna.it

Iba pang mga bagay na dapat malaman para sa paaralan ng iyong anak

🥪 Serbisyo at serbisyo sa canteen bago at pagkatapos ng oras ng pag-aaral

Kailangan mo ba ang serbisyo “mensa” o serbisyong nag-aalay ng tanghalian sa paaralan? O kailangan mo ba ang serbisyong pre-scuola, ibig sabihin ang pagpasok ng iyong  anak sa paaralan bago mag alas 8:30 o serbisyong post-scuola, ibig sabihin ang pagsundo ng iyong  anak sa paaralan lampas ng alas 4:30 ng hapon?

Maaari mong hilingin ang mga serbisyong ito online sa website ng Comune ng Bologna. Nakasaad sa baba ang link. Sa website, i-click mo ang “Iscrizioni on-line ai servizi educativi e scolastici del Comune di Bologna”.

Upang makapasok sa website ng Comune, kakailanganin mo ang kredensyal ng FEDERA (high security level password) o ang SPID.

Website ng paaralan ng Bologna Munisipalidad

scuola.comune.bologna.it

🩺 Mga sertipiko at bakuna sa medisina

May pagkamaselan ba ang kalusugan ng iyong anak at ito ba ay may sertipiko ng isang doktor?

Kung ang kalusugan ng iyong anak ay maselan o partikular at ito ay may katibayan na galing sa isang Doktor ng AUSL o Lokal na Kagawaran ng Kalusugan, kailangang isulat mo sa pormularyo ng enrollment ang sitwasyon ukol sa kondisyon ng kalusugan ng bata.

Nabakunahan ba ang iyong anak at kumpleto ba ang bakuna na natanggap niya? 

Bago pumasok ang isang bata sa paaralan, kailangang napabakunahan na ito. Para sa karagdagang impormasyon, siyasatin ang website na nakasulat sa baba.

🏥 Impormasyon ng AUSL

ambo.ausl.bologna.it

📚 Paano humiling ng mga preferensial na rate at ang kontribusyon para sa pagbili ng mga libro

Papaano makahiling ng mas mababang bayarin sa pag-aaral at kontribusyon sa pambili ng mga libro?

Upang makahiling ng mas mababang bayarin sa pag-aaral at kontribusyon sa pambili ng mga libro, kakailanganin ang ISEE.

Upang makahiling ng kontribusyon sa pambili ng mga libro kinakailangang mag-apply online sa simula ng taon ng pag-aaral sa website ng Regione Emilia-Romagna na nakasulat sa baba.

Kung wala kang computer o kailangan mo ng tulong sa pagsagot ng pormularyo online, maaring humingi ng appointment sa tanggapan “Ufficio Scuola”ng iyong quartiere. Tutulungan ka ng tanggapan sa bagay na ito.

Kontribusyon para sa pagbili ng mga libro

scuola.er-go.it

Opisina ng paaralan (ufficio scuola) ng Quartiere Savena

📍 Address: via Faenza, 4 - Bologna

☎️ Tel: 0512197424 

📧 E-mail: scuolesavena@comune.bologna.it

Mga oras ng pagbubukas