MGA SERTIPIKO
🤔 Anu-ano ang mga sertipiko?
Anu-ano ang mga sertipiko ng talaang sibil at mga sertipiko ukol sa katayuang sibil?
Ang mga sertipiko ng talaang sibil ay mga dokumento na naglalaman ng mga personal na impormasyon tungkol sa iyo at sa iyong pamilya.
Ang mga sertipiko ng talaang sibil ay ang mga sumusunod:
sertipiko ng paninirahan o certificate of residence na nagsasaad kung saan ka nakatira
sertipiko ng komposisyon ng pamilya na nagsasabi kung sinu-sino ang iyong mga kapamilya
sertipiko ng pagiging single o CENOMAR (certificate of no marriage) na nagsasaad na ikaw ay walang asawa
sertipiko ng nasyonalidad na nagsasabi na ikaw ay isang mamamayang italyano kung ang iyong nasyonalidad ay italyano.
Ang mga sertipiko ukol sa katayuang sibil ay mga dokumento na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa katayuan ng isang tao: sertipiko ng kapanganakan, sertipiko ng kasal at sertipiko ng kamatayan. Siyasatin ang link sa ibaba.
🧍 Mga sertipiko ng katayuan sibil
→ Mag-click dito upang malaman ang higit pa
🧑🍼 Humiling ng sertipiko ng kapanganakan
→ Mag-click dito upang malaman ang higit pa
💍 Humiling ng sertipiko ng kasal
→ Mag-click dito upang malaman ang higit pa
⚰️ Humiling ng sertipiko ng kamatayan
→ Mag-click dito upang malaman ang higit pa
🔏 Ano ang mga pagpapatunay at legalisasyon?
Ang pagpapatunay ay ang pahayag ng isang empleyado ng comune na pinirmahan mo ang isang dokumento sa harap niya.
Ang pagpapatunay ng iyong pirma ay maaaring kakailanganin sa iba’t-ibang pagkakataon tulad ng:
para sa mga deklarasyon ukol sa mga personal na katotohanan o kondisyon. Ang mga deklarasyon na ito ay maaaring hilingin ng bangko o kumpanya ng insurance, halimbawa.
para sa ilang mga pormal na kahilingan o petisyon na kailangan mong ihayag sa isang pribado.
para humirang ng isang kinatawan na maaring kumuha o tumanggap ng pakinabang o tulong na pinansiyal, tulad ng pensyon, sa lugar mo sa mga pagkakataong hindi mo makuha ng personal.
Ang mga legalisasyon:
Ang legalisasyon ng isang dokumento na galing sa Pilipinas ay kinakailangan upang ito ay maging balido sa Italya. Kung ito ay nakasulat sa salitang iba sa italyano, ang mga dokumento na ninanais mong maging legal ay kailangang may kasamang pagsasalin sa italyano. Ang pagsasalin ay kailangang sertipikado na alinsunod sa pinagmulang wika.
Sino ang maaring magbigay ng sertipiko ng tamang pagsalin?
Ang isang tanggapang diplomatiko o konsulado ng Italya ang magbibigay ng sertipiko ng kawastuhan. Ang sertipiko ay maari ring manggagaling sa isang propesyonal na tagapagsalin na kinikilala ng Konsulado ng Italya sa bansang pinagmulan.
Napapatunayan ang pagkakakilanlan o identity ng isang tao sa isang photo ID sa pamamagitan ng legalisasyon nito o validation. Maaari mong ipa-validate ang photo ID upang makakuha ng mga kinakailangang dokumento tulad ng pasaporto, lisensya ng pangangaso, lisensya ng pamimingwit, pahintulot sa pagmamay-ari ng baril.
Hindi maaring ipa-legalize (o authenticate) ang photo ID kung ito ay kakailanganin mo para sa paaralan o isport.
Ang opisina na nag-iisyu ng mga personal na dokumento na kinakailangan mo ay maaaring mag-legalize o magvalidate ng mga kahilingang photo ID kung ikaw ang personal na mag-aapply. Upang magpa-authenticate ng isang photo ID pumunta ng personal sa Ufficio Anagrafe o Tanggapan ng Talaang Sibil o pumunta sa kawnter ng tanggapan na siyang maglalabas ng dokumento ng pagkakakilanlan na kinakailangan. Dalhin ang photo ID at isang balidong ID na may retrato. Ang mga batang menor di edad ay kailangang samahan ng isang may gulang na. Ang kasamang nakakatanda ay kailangang may dalang balidong ID na may retrato.
Pagpatotoo ng lagda
→ Mag-click dito upang malaman ang higit pa
Legalization at pagsasalin ng mga banyagang dokumento at sertipiko
→ Mag-click dito upang malaman ang higit pa
URP - Rehistro Quartiere Savena
📍 Address: via Faenza, 4
☎️ Tel: 0512197435
📧 E-mail: urpsavena@comune.bologna.it
🗓 Mag-click dito upang mag-book ng isang appointment
Mga oras ng pagbubukas:
Lunes, Miyerkules at Biyernes mula 8:15 hanggang 13:00
Martes at Huwebes mula 8:15 hanggang 17:30
Mga oras ng pagsasara:
Sabado, Linggo, araw na pahinga at 4 Oktubre (araw ng santo ng lungsod, San Petronio)