ANG "RESIDENZA"
O TIRAHAN

🤔 Ano ang ibig sabihin ng “residenza”?

Ano ang ibig sabihin ng “residenza”?

Ang “residenza” ay tumutukoy sa tirahan kung saan karaniwang nakatira o nanatili ang isang tao, na nakatala o nakarehistro sa Comune.

Upang pormal na ipaalam sa Comune kung saan ka nakatira, sumulat lamang ng email sa URP (ibig sabahin Ufficio Relazioni con il Pubblico o  Tanggapan ng Ugnayang Pampubliko) – servizio anagrafe o tanggapan ng pagpapatala. Ang email address ng URP ay ang sumusunod.

Sa URP, magpalista ka sa patalaan o rehistro ng Comune.

URP Quartiere Savena

📧 E-mail: urpsavena@comune.bologna.it

⚙️ Para saan ang ‘residenza’ o rehistradong tirahan?

Para saan ang ‘residenza’ o rehistradong tirahan?

Sa pamamagitan ng rehistradong tirahan, maaaring magpalista sa SSN o Pambansang Serbisyo ng Kalusugan. Para magpalista, kailangang pumunta sa opisina ng AUSL (Azienda Unità Sanitaria Locale o Lokal na Kagawaran ng Kalusugan). 

Ang rehistradong tirahan ay kailangan din para sa iyong trabaho. Kung ikaw ay may rehistradong tirahan maaring magpalista at mapabilang sa listahan ng mga naghahanap ng trabaho at sa mga listahan ng mga nagnanais na magpalit ng uri ng trabaho o lugar ng trabaho.

Ang rehistradong tirahan ay kailangan din upang makatanggap ng tulong o benepisyo sa pamamagitan ng sistema ng 

social security at welfare.

Kakailanganin din ang rehistradong tirahan upang makahiling o magpanibago ng ‘carta di identità o ID (kard ng pagkakakilanlan).

Ang rehistradong tirahan ay kailangan upang maipasok ang mga anak sa paaralan at iba pang serbisyong pang-edukasyon. 

Kakailanganin ang rehistradong tirahan upang makahingi ng suportang pangkabuhayan at panlipunan.

Kailangan ang rehistradong tirahan upang magkaroon ng SPID o digital ID.

Kung ikaw ay isang mamamayang italiano o mamamayan ng isang bansang kasapi ng European community, kakailanganin mo ang isang rehistradong tirahan upang makaboto.

📮 Ano ang mga kailangang ipadala sa URP-Anagrafe?

Ano ang mga kailangang ipadala sa URP-Anagrafe para magkaroon ng ‘residenza’ o maparehistro ang tirahan?

Upang magkaroon ng ‘residenza’ o maparehistro ang tirahan, 

kailangang ideklara o ipahayag mo ang iyong tirahan sa pamamagitan ng pagsagot ng  pormularyo ng ‘residenza’. Sagutin ang pormularyo o form para sa iyo at sa buong pamilya kung ikaw ay may karampatang gulang o nasa legal na edad (18 at mahigit ). 

Kung ikaw ay nakatira sa isang tirahan kasama ang ibang tao na hindi mo kapamilya (ang tinutukoy nito ay yaong mga nakatira sa isang kolehiyo, ‘boarding house’, ‘boarding school’, kampo militar o tahanan para sa mga may edad na), ang namamahala sa tirahan ang siyang gagawa ng deklarasyon para sa iyo.

May mga dokumento na kailangang isama  sa pormularyo o form.

Ito ang listahan ng mga dokumento.

📑 Listahan ng mga dokumento

→  Mag-click dito upang i-download ang Pahayag ng Pahayag ng Paninirahan at upang makita ang kumpletong listahan ng mga dokumento na kinakailangan upang makakuha ng paninirahan

URP - Rehistro Quartiere Savena 

📍 Address: via Faenza, 4

☎️ Tel: 0512197435 

📧 E-mail: urpsavena@comune.bologna.it

🗓 Mag-click dito upang mag-book ng isang appointment

Mga oras ng pagbubukas:

Mga oras ng pagsasara:

Sabado, Linggo, araw na pahinga at 4 Oktubre (araw ng santo ng lungsod, San Petronio)